Elected Sangguniang Kabataan Kagawad hindi kasama sa may automatic eligibility ayon sa CSC

CAMARINES NORTE – Nilinaw ng Civil Service Commission (CSC) na hindi kasama ang mga Kagawad ng Sangguniang Kabataan sa mayroong automatic eligibility.

Ayon kay Director II Atty.  Alicia Salinas ng CSC Provincial Fiedl Office SK Chairman lang ang mayroong eligibility basta makakumpleto ng tatlong taong termino.

Mababatid na maliban sa pag- acquire ng eligibility sa pamamagitan ng pagpasa sa Career Service Examination nagkakaloob din ng special eligibilities ang CSC sa mga qualified individual tulad ng barangay official eligibility, barangay health worker eligibility, at barangay nutrition scholar eligibility.

Paliwanag ni Salinas ang mga opisyal ng Barangay tulad ng Kapitan, Kagawad, Barangay Treasurer at Barangay Secretary ang entitled na mag- acquire ng eligibility.

Gayunman paglilinaw ni Salinas na hanggang Level 1 lang o sub- professional ang kanilang eligibility.

Kung naas nang mga ito ng Level 2  ay kailangang mag- exam at pumasa sa Career Service Examination Pen and Paper Test.

Ang mga miyembro naman ng Sangguniang Bayan ay pwedeng mag- acquire ng Level 2 o Professional eligibility depende sa kanilang educational attainment. Sa March 2024 ay muling magdadaos ng CSE- PPT ang CSC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *