Election Task Force na aalalay sa mga gurong magsisilbi sa BSKE binuo na ng DepEd

CAMARINES NORTE – Binuo na ng Department of Education (DepEd) ang 2023 Election Task Force na aalalay sa mga gurong magsisilbi ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa Memorandum ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla, magko- convene ang task force para tumanggap ng mga report mula sa field sa hapon ng Ocotber 29 hanggang sa October 30 at pwede rin umanong palawigin kung kinakailangan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay  Administrative Officer V at Information Officer Antonio Ahmad, ipinaliwang nito na kabilang sa functions ng task force ay ang mag- maintain o mag set-up ng operation at monitoring system na mag- uugnay sa lahat ng DepEd Offices at mga line agency.

Layon din nito na masigurong mabibigyan ng technical support ang mga gurong magsisilbing Electoral Board.

Ani Ahmad nais ng DepEd na masigurong mayroong masasandalan ang mga guro sakaling kailanganin ng mga ito ng suporta habang nasa election duty.

Kaugnay nito ay nanawagan si Ahmad sa mga guro na kung may hindi nauunawaan o nalalabuan sa mga rules ay maaaring tumawag sa hotline ng task force upang matulungan ang mga ito sa decision making.

Nakasaad na rin sa Memorandum ang schedule ng Task Force members at hotline numbers na pwedeng tawagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *