Emergency testing ginawa sa Lake Buhi sa posibleng banta ng fish kill

CAMARINES SUR- Nakamonitor ngayon ang lokal na pamahalaan ng Buhi , Camarines Sur sa lebel ng tubig sa Lake Buhi.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mark Nazarea, sinabi nitong ilang araw nang inuulan ang lalawigan dahil sa Shearline kaya may posibilidad na tumaas ang tubig at umapaw ang nasabing lawa. Sa ngayon normal pa ang lebel subalit nagkaroon ng emergency water testing ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol kasama ang Lake Development Office.

Sa inisyal na resulta maayos pa ang lagay , hindi pa alarming ang estado ng tubig. Nitong mga nagdaang taon, naitala ang fish kill sa lugar , milyon ang naging pinsala at maraming mga fish cage operators ang nalugi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *