Escudero, isusulong ang mabilis na pag-apruba sa multi-trillion 2023 budget

Inihayag ni Senator-elect Francis “Chiz” Escudero na isusulong niya ang “speedy passage” ng P5.268 trillion budget ng gobyerno para sa 2023, para makatulong sa recovery ng pandemic-burdened economy, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa sektor ng agrikultura, maging sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

Sa tingin ni Escudero, ay wala naman sigurong kokontra sa mabilis na pagtalakay at pagpasa ng appropriation measure dahil ito ang pinakamahalagang tungkulin umano nila bilang mambabatas sa ilalim ng Saligang Batas.

Sa gitna nito, binigyang diin ng senador na ang may pinakamataas dapat na budget ay ang edukasyon, pero dapat pumapangalawa umano dito ang agrikultura dahil iyan ang pinagkakakitaan ng pinakamahihirap na mga kababayan.

Dagdag ng mambabatas, na sa pagbibigay rin ng tulong sa small businesses ay mareresolba ang isyu ng ekonomiya ng Pilipinas, kabilang na ang kakulangan ng mga opurunidad para sa domestic employment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *