Estudyante na rank No. 1 MWP ng Castilla Police na may kasong panghahalay, arestado; isa pang binatilyo, himas rehas din sa parehong kaso

Kulungan ang bagsak ng dalawang binatilyo na parehong may kinakaharap na kasong statutory rape kung saan ang isa dito ay itinuturing na No. 1 most wanted person.

Sa bayan n ng Castilla, Sorsogon ay agad na pinosasan, matapos na basahan ng kanyang karapatan si alias ‘Ithoy,’ 20-anyos, binata, estudyante at naninirahan sa Brgy Dinapa ng nasabing bayan.

Ang akusado ay itinuturing din na No. 1 most wanted person ng Castilla MPS.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC 5th Judicial Region Br51, Sorsogon City.

Himas rehas na rin ang 18-anyos na si “TJ,’ binata, delivery man sa isang water refilling station at naninirahan sa Brgy Bitan-o, West District, Sorsogon City. Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC 12, Sorsogon City.

Parehong walang itinakdang piyansa ang korte sa kaso ng dalawang binatilyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *