Ex-Pop star na si Kris Wu, pinatawan na makulong ng 13 taon matapos mapatunayang guilty sa kasong rape

Makukulong ng 13 taon ang Chinese-Canadian ex-pop star na si Kris Wu matapos mapatunayang nagkasala sa kasong rape ayon sa Chinese court.

Si Wu ay sinentensiyahan ng 11 taon at anim na buwang pagkakulong para sa kasong panggagahasa at nasentensiyahan din ng pagkakulong ng isang taon at sampung buwan para sa kasong “gathering people to commit adultery”.

Magsisilbi siya ng 13-taong pagkakakulong bago i-deport, sabi ng korte.

Si Wu ay orihinal na sumikat bilang isang miyembro ng K-pop boyband na EXO, bago umalis noong 2014 upang mag solo career bilang isang mang-aawit, aktor, modelo at judge ng variety show.

Nag ugat ang kaso ni Wu matapos akusahan ng panggagahasa ng labing-siyam na taong gulang na estudyanteng si Du Meizhu noong nakaraang taon noong siya ay 17.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *