Face-to-face classes sa Camarines Sur, suspendido nanaman dahil sa inaasahang pagsungit na panahon

CAMARINES SUR- Suspendido ang pasok sa eskuwela sa lahat ng antas sa Camarines Sur dahil sa inaasahang masungit na panahon.

Ito ang nakapalaman sa bagong memorandum ni Gov. Luigi Villafuerte. Kahapon ng hapon epektibo na ang suspensyon dahil sa nararanasang pag-uulan , tatagal ito hanggang sa Huwebes , Nobyembre 23, 2023. Pero inaabisuhan ang mga nasa Sekondarya at Kolehiyo na mag blended learning upang hindi matigil ang eskwela.

Inihayag ni Fred Consulta, Chief Meteorological Officer ng PAGASA Camarines Sur, asahan pa ang pag-uulan sa mga susunod na araw dahil sa Shearline at Amihan.  Iaabisuhan din ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na i-monitor ang mga landslide prone areas dahil malaki ang posibilidad na lumambot na ito delikadong gumuho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *