FDA, nagbabala sa paggamit ng glow in the dark lato-lato

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) na maaaring magkaroon ng panganib sa kalusugan ang paggamit ng glow in the dark na lato-lato.

Ito ay dahil hindi sumailalim ang produkto sa kanilang quality at safety evaluation.

Dahil dito, ayon sa FDA, ilan sa mga health hazards na posibleng makuha sa paglalaro nito ay ang endocrine disruption, reproductive o developmental effects, injury, choking, o suffocation.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng ahensya ang publiko na suriin mabuti ang mga produkto at tingnan kung ito ay FDA approve o rehistrado sa FDA sa pamamagitan ng website nito.//Katrina Jonson

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *