Fighting Maroons, pasok sa top 4 ng UAAP

Pasok ang UP Fighting Maroons sa Final 4 ng Men’s Basketball Tournament ng UAAP Season 86.

Ito’y matapos talunin ng Fighting Maroons ang UE Red Warriors sa iskor na 79-72 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nakapagtala ng 19 points at 15 rebounds si reigning UAAP Most Valuable Player Malick Diouf; habang 17 points ang inambag ni CJ Cansino para sa Maroons na may siyam na panalo at dalawang talo sa Season.

Nagpasok ng magkakasunod na tres ang Red Warriors para maitabla ang score sa 69 all sa 4th Quarter pero agad na ibinalik ng Maroons sa apat ang kanilang lamang sa 73-69.

Ito na ang ikalimang sunud-sunod na Final Four appearance ng UP sa Men’s Basketball Tournament ng UAAP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *