Final Four sa NCAA, kumpleto na

Nagwagi ang Mapua University laban sa Jose Rizal University (JRU) sa iskor na 77-74 sa pagtatapos ng NCAA Season 99 kung saan nakuha ng Mapua sa second round ang anim na magkakasunod nilang panalo.

Sa panalong ito, nakumpleto na ang final four sa NCAA na binubuo ng Lyceum University of the Philippines, San Beda University, De La Salle-College of Saint Benilde, at siyempre ang Mapua University.

Nagpakitang gilas si ang MVP ng Mapua na si Clint Escamis na nakakuha ng 25 points; 5 steals; 4 na rebounds at 4 din na assists.

Nagpasiklab naman ang Heavy Bombers ng 10 to 3 runs; sa score na 72-69 sa huling 2 minutes and 30 seconds ng 4th quarter.

Pero kinapos ang JRU dahil mas nanaig ang Cardinals para masungkit ang kanilang panalo.

PHOTO CREDITS: Mapua Radio Cardinal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *