Fishing ban ng China, tinanggihang kilalanin ng Pilipinas

Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kikilalanin ng bansa ang ipinataw ng China na fishing ban sa West Philippine Sea para sa mga Pilipinong mangingisda.

Ayon sa DFA, “illegal exercise of state authority” ang isinagawa ng Tsina, lalo na’t sakop nito ang Philippine maritime zones.

Sa katunayan, ang pagbabawal sa pangingisda ay naging paksa ng mga diplomatikong protesta ng gobyerno.

Sa huli, sinabi ng ahensya na handa ang Pilipinas na magsagawa ng mga hakbang sa pagpapatupad ng batas sa ilegal na pangingisda ng China sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *