Football: PH team, handa na sa SEA Games camp sa Australia

Dumating na sa Australia ang women’s national football team ng Pilipinas, para sa kick off ng kanilang paghahanda para sa 31st Southeast Asian Games.

Ayon sa Philippine Football Federation (PFF), 25 players ang tinawag sa camp, kung saan makakasama nila si head coach Alen Stajcic at kanyang staff para sa FIFA window ngayong buwan.

Ang mga Filipinas na ngayon ay ranked 54th sa mundo ng FIFA, ay maglalaro sa international friendlies laban sa Fiji sa April 7 at 11 sa Sydney.

Mananatili ang mga ito sa camp sa Sydney hanggang sa Mayo, bago lumipad papuntang Hanoi, Vietnam para sa SEA Games.

Ang SEA Games ang magiging kauna-unahang official competition ng mga Filipinas, simula ng kanilang historic campaign sa AFC Women’s Asian Cup, kung saan nakapasok sila sa semifinals at nakakuha ng ticket para sa susunod na taong FIFA Women’s World Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *