Fuel Masters, pinutol ang sunod-sunod na panalo ng Dyip

Dinurog ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang Terrafirma Dyip sa score na 96-84 sa kanilang pagtutuos sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Bacolor, Pampanga.

Nagtala si Perkins ng 28 points, 4 rebounds, at 4 assists sa laro kung saan ay umangat sa 3-5 ang standings ng Fuel Masters.

Ipinunto ni Phoenix coach Topex Robinson na natalo ng Terrafirma ang mga malalakas na kuponan tulad ng San Miguel, Ginebra, at Blackwater na dahilan upang masabi na meron misyon ang kanilang kalaban.

Sinabi ni Robinson na nirespeto nila ang Terrafima at inisip na recipe sa pagkatalo ng Fuel Masters ang hindi paglalaro ng basketball sa abot ng kanilang makakaya.

Samantala, sa unang pagkatalo ng Dyip sa pagbabalik ng liga sa Pampanga ay nalimitahan ang high-scoring guard na si Juami Tiongson, na kinilala bilang PBA Player of the Week, sa 8 points lamang mula sa kaniyang 2-of-10 shooting.

Dahil dito ay tabla na ang Dyip at Fuel Masters sa rankings kung saan ay parehong meron 3-5 win-loss record ang dalawang kuponan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *