Fully vax sa Central Luzon, nasa 77% na ng target population

Nasa 77 percent na ng target population sa Central Luzon ang kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19.

Sa datos ng Central Luzon Regional Task Force as of March 15, nasa 7 million 746 thousand 217 na indibidwal na ang fully vaccinated, 77 percent ito ng 10.1 million na target population sa rehiyon.

Habang nasa mahigit 8.3 million naman ang nabigyan na ng unang dose ng COVID vaccine, o katumbas ng 82 percent.

Meron na ring 1 million 643 thousand 380 na indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang booster shot.

Sa kabuuan nasa 11, 422, 070 doses na ng bakuna ang nai-deliver sa Region 3, mula nang magsimula ang vaccination rollout sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *