Gilas bigong makausad sa FIBA Asia Cup quarterfinals matapos ilampaso ng Japan

Sa unang pagkakataon simula noong 2007, ay hindi na aabanse ang Gilas Pilipinas sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup.

Ito’y matapos na ilampaso ng Japan ang team ng Pilipinas sa score na 102-81.

Mababatid na sa pagsisimula palang ng laro, makikitang dehado na ang Gilas nang hindi binigyan ng pagkakataon ng Japan na makalamang sa ginagawang torneyo sa Jakarta, Indonesia.

Dahil dito, walang nagawa ang 16 points ni Ray Parks, 15 points ni Kiefer Ravena at ambag na 10 points bi Carl Tamayo.

Sa huling quarter pa ng laro, ay natawagan ng foul si Tamayo.

Samantala, makakaharap naman ng Japan ang Australia sa quarterfinals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *