Gilas PH may mga isinasagawa pang adjustment bago umarangkada ang FIBA sa Agosto

INIHAYAG ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na may mga isinasagawa pang adjustment ang kanilang koponan bago ito sumabak sa mismong laro sa FIBA World Cup sa darating na Agosto.

Ginawa ni Reyes ang pahayag matapos ang muling pagkabigo ng Gilas Pilipinas na maipanalo ang tune up games kontra sa Finland.

Lumamang ng 31 points ang Finland sa Gilas, mula sa una hanggang second quarter ng laro, sakabila ng mga na i-ambag na 15 points ni Dwight Ramos at 11 points naman ni Justin Brownlee.

Matatandaang natalo rin ng Estonia ang Gilas sa unang tune up games ngunit sinabi ng pambansang koponan na naging maganda ang kanilang laro sakabila ng pagkatalo.### RIZADEL LOPEZ, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *