Gilas’ Poy Erram, hindi makakalaro sa FIBA dahil sa knee injury

Nalagasan na naman ng isang manlalaro ang Gilas Pilipinas matapos ianunsyo ang hindi pagsali ni ‘Big Man’ Poy Erram sa nalalapit na FIBA World Cup.

Ayon kay Head Coach Chot Reyes, pinakita sa resulta ng MRI ni Erram na nawalan ito ng impediments at material sa kanyang kanang tuhod, kaya’t napagdesisyounan nitong magpahinga muna.

Dahil dito, 16 na lamang ang manlalaro ng Philippine team, mas mababa sa inaasahan ni Reyes na 21-man pool.

Isa si Erram sa mga manlalarong hindi makakapaglaro sa FIBA, kasama sina Carl Tamayo, Jordan Heading, at mga naturalized players na sina Angelo Kouame at Justin Browlee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *