Ginang na HVI sa droga, timbog sa Batangas

CALATAGAN – Arestado ang isang ginang na tulak umano ng iligal na droga at itinuturing na high value individual sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Sta. Ana, Calatagan, Batangas, bandang 8:00 ng gabi kagabi.

Kinilala ng Calatagan Municipal Police Station ang suspek na si Amy Abinoja y Bajado, 44 anyos at residente ng Brgy. Poblacion 1 ng naturang bayan.

Ayon sa imbestigasyon, kumagat ang suspek sa inilunsad na buy bust operation sa pamumuno ng hepe na si Police Major Ronnie B. Aurellano kung saan narekober mula sa kanya ang limang sachets ng pinaniniwalang Shabu, isang libong piso at anim na booble money.   

Nakuha rin mula sa kanya ang isang cellphone at isang coin purse.

Base sa impormasyon mula sa naturang himpilan, magatal na umanong pinaghahanap ng mga awtoridad ang drug suspect.

Nakakulong na ito sa custodial facility ng naturang himpilan at kakaharapin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *