Ginebra, muling nakuha ang Governors’ Cup crown

Muling kinoronahan ang Barangay Ginebra bilang PBA Governors’ Cup champion.

Ito’y matapos na matalo ng koponan ang Meralco sa Game 6 ng reinforced conference finals, sa 103-92 sa Mall of Asia Arena.

Matapos kasi ang tie sa 47 sa huli ng first half, nagtala ang Ginebra ng 31 points sa third period laban sa 26 ng Meralco dahilan para makuha ang 78-73 advantage.

Aaang Bolts ay nahuhuli ng lima sa 85-80 sa unang bahagi ng fourth period bago paman ang 11-0 run ng Ginebra sa triple ni Justin Brownlee para mapalawig pa ang kanilang lead na natitirang 4:35 ng laro.

Pero sa gitna nito, nabawasan ng Meralco ng kanilang deficit sa sampu o 98-88, pero ang triple naman ni LA Tenorio sa 1:10 mark ang naging dahilan para mahirapan nang makadikit ang Bolts.

Kaugnay nito, tiniyak ni Christian Standhardinger na hindi na makakakuha ng tsansa ang Bolts na makabalik, matapos maka-iskor ng insurance basket na nalalabing 42 segundo.

Ang naturang pagkapanalo ng Ginebra ay pang-apat na sa Governors’ Cup sa nakalipas na anim na taon, kung saan nanalo ang koponan noong 2016, 2017 at 2019. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *