GMA: Maharlika Investment Fund, ‘hindi na bago’

Nilinaw ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi na bago ang pagkakaroon ng sovereign wealth fund ng isang bansa.

Sa isang pahayag, sinuportahan ng dating pangulo ang pagatatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa kabila ng mga agam-agam ng iba’t ibang sektor na baka mapunta sa wala at makurakot lang ang pension funds mula sa SSS at GSIS na ilalaan para sa inisyal na allocation nito.

Iniisa-isa ni Arroyo ang mga umiiral na wealth funds sa ibang bansa kabilang na ang mga wealth funds sa Singapore, at mahigit 20 uri nito na mayroon sa Middle East.

Maging sa Pilipinas din aniya ay mayroon na ring inihaing panukala noon para rito si dating senador Bam Aquino noong 2016.

Mababatid na inihain noon ni Aquino ang Senate Bill No. 1212 noong 17th Congress para itatag ang ‘Philippine Investment Fund Corporation.’

Ayon kay Arroyo, makasisiguro ang publiko na mayroong accountability mula sa Pangulo dahil ayon sa ilang probisyon ng panukala – ang punong ehekutibo ang mismong magsisilbing chair ng board para rito.

Idiniin pa ng mambabatas ang mga advantages para sa pagtatatag ng sariling wealth fund ng Pamahalaaan kabilang na ang posibleng pera na mage-generate sa oras na tumubo na ang in-invest na pondo mula sa mga government financial institutions.

Makatutulong aniya ito para sa pagpo-pondo sa iba’t ibang mga proyekto ng Gobyerno kung saan ay makakabenepisyo ang mga Pilipino.
#

RELATED STORIES:

BSP, may pagaaalinlangan sa Maharlika Investment Fund

Romualdez, tiniyak na hindi mauuwi sa kurapsyon ang Maharlika Investment Fund

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *