BSP, may pagaaalinlangan sa Maharlika Investment Fund

Mismong ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ang may agam-agam sa ipinapanukalang pagkakaroon ng sariling Maharlika Investment Fund (MIF) na isinusulong ni Pangulong Bongbong Marcos at ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso.

Sa isang panayam, hindi naiwasan ni BSP Governor Felipe Medlla na maalala ang sinapit ng 1Malaysia Development Berhad (1MDB).

Matatandaaang ang 1MDB ay isang sovereign wealth fund ng Malaysia na inilunsad noong 2009, pero nauwi ito sa iskandalo nang masiwalat ang multi-billion dollar corruption na naresulta sa pagkakakulong ng dati nilang prime minister.

Ayon kay Medalla, may malalaking risk pa rin na kaakibat ang pagkakaroon ng sariling pooled fund ng Pilipinas.

Dagdag pa ng BSP Governor, maaari rin itong magkaroon ng impact sa dollar reserves ng ating central bank.

Idiniin pa ni Medalla na kung sakali mang ma-manage ito ng kasalukuyang administrasyon – hindi pa rin masasabi kung maayos ba itong mama-manage ng susunod na Gobyerno.

#

READ MORE:

Salceda, pinawi ang pangamba ng central bank

Pinawi naman ni House Ways and Means committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda ang pangamba ni Medalla na posibleng hindi ma-manage nang maigi ang ipinapanukalang MIF.

Sa pahayag, sinabi ni Salceda na sa ilalm ng panukala ay may kapangyarihan ang BSP na magkaroon ng supervisory powers sa MIF.

Aniya, kung sa Malaysia ay walang kontrol ang central bank nito sa 1MDB – kabaliktaran naman ito sa Pilipinas dahil ang BSP ay maaaring mag-enforce ng agarang aksyon para sa Maharliak Fund.

Sa huli, sinabi ng mambabatas na nire-respeto nila ang naging pananaw ni Medalla at handa silang pakinggan ang mga suhestyon at mungkahi nito hinggil sa pagtatatag ng sariling sovereign fund ng pamahalaan.
#

GSIS, sinuportahan din ang pagtatatag ng sariling sovereign investment fund ng Pilipinas

Nakakuha ng suporta mula sa Government Service Insurance System (GSIS) ang ipinapanukalang MIF.

Sa isang panayam, sinabi ni GSIS Executive Vice President Nora Malubay na isa raw itong magandang programa.

Paliwanag ni Malubay, makatutulong ito sa pagpapalago ng pondo ng tangapan at kalaunan ay posibleng makapadagdag sa perang inilalan para sa retirement benefits at pensyon ng mga kawani ng gobyerno.

READ MORE:

Matatandaaang ang GSIS ay maglalan ng P125Billion na pondo bilang bahagi ng pooled funds ng MIF.

Maliban sa GSIS, maga-allocate din ang Social Security System o SSS ng P50Billion; at karagdagang P100Billion na hahati-hatiin mula sa iba pang government financial institutions kabilang na ang Land Bank, Development Bank, at mula sa National Treasury.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *