Go, muling iginiit ang pagsuporta sa pagreview sa MVIS implementation para bawas hirap sa mga Pilipino

Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang suporta para sa panawagan na ireview ang pagpapatupad sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Land Transportation Office, para matulungan na mabawasan ang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga motorista sa gitna ng hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang inihatid na manifestation sa sesyon ng Senado noong Lunes, tiniyak ni Go sa kanyang mga kapwa senador na nakikinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opinyon at rekomendasyon ng mga mambabatas at ng general public.

Binigyang diin rin nito na una nang ipinag-utos ng pangulo ang suspension sa inspection scheme noong Pebrero para bigyan ng panahon ang LTO na pag-aralan at tugunan ang mga isyu na idinudulog ng ilang stakeholders.

“To the sponsor, Senator Grace Poe, and — with due respect to my fellow Batangueño — Senator Ralph Recto, hindi naman rare occasion pong nakikinig ang ating Pangulo. Parati nakikinig ang ating Pangulo, lalong-lalo na ‘pag interes ng bayan at interes ng karamihan ang nakataya dito,” saad ni Go.

“It was brought up by Madame Grace before at sumang-ayon naman ang Executive, si Pangulong Duterte, dahil ayaw niya talagang pahirapan ‘yung Pilipino sa panahon ngayon, lalong-lalo na ang dami pong reklamo dito (sa MVIS),” dagdag pa nito.

Bilang miyembro naman ng Senate Committee on Public Services, nanawagan si Go kay Transport Secretary Authur Tugade na tugunan ang mga concerns ng mga legislators kaugnay sa MVIS implementation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *