Go, suportado ang panukala na nag-aamyenda sa tax code para mailigtas ang mga paaralan mula sa pandemya

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 2407 na naglalayung amyendahan at resolbahin ang ‘ambiguity’ sa National Internal Revenue Code kaugnay sa pagpapababa sa preferential tax treatment na para sa proprietary educational institutions.

Binigyang diin ni Go na ang mga authors ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ay layung matugunan ang urgent economic problems mula sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng tax relief para sa mga entities na nangangailangan ng pinansyal.

“Isa sa mga dahilan kung bakit natin ipinasa ang CREATE Law noong March 26, 2021 ay upang tulungan ang ating mga negosyo na makaahon mula sa pasakit na dulot ng pandemya. Kasama na dito ang mga proprietary educational institutions na humuhubog sa maraming kabataan,” saad ni Go.

Binigyang diin ng senador na isa sa mga Vice Chairs ng Senate Committee on Finance, na sa ilalim ng CREATE Law, ang proprietary educational institutions at ospital na non-profit ay subject sa buwis na 1% sa kanilang taxable income, epektibo noong July 1, 2020 hanggang June 3, 2023, at matapos neto ay ibabalik sa 10%. 

Sa kabila nito, ang ambiguous wording ng Section 27(b) ng Tax Code na nagresulta sa erroneous interpretation ng batas ng Bureau of Internal Revenue, na nagdedeny sa proprietary educational institutions sa availment ng preferential tax rates at nag-iwan sa kanila sa mas mataas na tax rate para sa mga ordinaryong korporasyon.

”This is why our educational institutions seemed to suffer more because of the pandemic rather than benefit from the beneficial provisions of the CREATE Law,” dagdag ni Go.

“Kailangan ng mga proprietary educational institutions ang ating tulong dito sa Senado. Kailangan i-clarify na ‘yung intensyon ng CREATE Law ay bigyan sila ng mas mababang tax rate upang kilalanin ang kanilang kontribusyon sa bansa sa pamamagitan ng paghubog ng kabataan,” giit ng senador.

Dagdag nito, ang amendment ay magtitiyak ng tamang aplikasyon ng probisyon at magliligtas sa maraming paaralan, colleges at universities mula sa pagsasara dahil sa financial difficulties.

“Malaking pasakit ang naidulot ng pandemya sa ating ekonomiya. Isa sa mga lubhang tinamaan dito ay ang mga private educational institutions dahil pansamantalang itinigil ang mga face to face classes. Napilitan pong mag-invest ang ating mga paaralan ng napakalaking halaga para sa mga online learing systems, upang matugunan lang ang pangangailangan ng ating mga estudyante,” saad ni Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *