Gov. Rosal, nagsagawa ng inspeksyon sa nasunog na munisipyo ng Sto. Domingo, Albay

LEGAZPI CITY – Binisita ni Albay Gov. Noel Rosal ang nasunog na munisipyo ng Sto. Domingo, Albay upang magsagawa ng inspeksyon.

Ayon sa gobernador, nasa 50% ang tinatayang nasirang mga pasilidad ng nasabing munisipyo.

Aniya, nakakapanghinayang ang sinapit nito dahil pinaganda at inayos na ito ng kasalukuyang alkalde na si Jun Aguas.

Sa ngayo, ang ginawang istratehiya ng lokal na pamahalaan upang maging operational ang trabaho o transaksyon ng mga empleyado ay inilipat ang ilang opisina sa ibang building.

Ipinangako naman ng opisyal na magbibigya ng tulong-pinansyal ang pamahalaan panlalawigan para sa gagawing rehabilitasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *