Gov’t, bibili, magbibigay parin ng COVID vax, kahit maging commercially available

Patuloy na bibili at mamahagi ang gobyerno ng COVID-19 vaccines, kahit na posibleng maging commercially available na ito sa susunod na taon.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., magbibigay ng bakuna ang pamahalaan lalo na para sa vulnerable population at mahihirap na kumunidad, gaya ng kanilang kasalukuyang vaccination drives para sa iba pang sakit.

Nabanggit rin na ang mga kayang bumili ng COVID-19 vaccine ay maaring dumeretso nalang sa mga botika.

Sinabi ng kalihim na ang naturang development ay dhail sa resulta ng epektibo at mabilis na vaccination drives na ipinatupad ng mga local government units.

Dagdag nito, ang ilang manufacturers ay mas interesadong na magbenta ng mga bakuna sa national government, dahil mas mabilis ang transaction process. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *