Grupo ng mga guro – umaasang maaaprubahan kaagad ng Pangulo ang pagbabalik sa lumang school calendar

Binigyang-diin ng Teachers’ Dignity Coalition na kung napaghandaan lang sana ng pamahalaan ang pagpapaikli sa school year, hindi ito gaano magiging biglaan.

Ito nay kaugnay sa agresibong hakbang ng DepEd na ibalik na sa lumang school calendar ang pagpasok ng mga estudyante.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Teachers’ Dignity Coalition National Chairperson Benjo Basas, sinabi nitong nagamit sana ang 2023-2024 school year bilang adjustment period.

Samantala, binigyang-diin din ng opisyal ang problema kinaharap ng sektor sa gitna ng tag-init.

Isang hamon din kasi sa mga guro at mga bata ang nararanasang tindi ng init tuwing summer season.

Sa huli, umaasa ang coalition na maaaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbabalik sa lumang school calendar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *