Habagat, magdadala ng kalat-kalat na ulan, thunderstorms sa 5 areas sa Luzon

Asahang magdadala ang southwest monsoon o habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Region, Zambales, Benguet, Batanes, at sa Babuyan Islands.

Kaugnay nito, nagbabala ang weather agency laban sa posibleng flash floods o landslides sa oras na katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral naman sa National Capital Region at ibang bahagi ng bansa, dahil sa monsoon at localized thunderstorms.

Sinabi naman ng PAGASA, na sa kasalukuyan, may dalawang active tropical cyclones sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Kabilang na dito ang tropical storm Marinae, dating Gorio, na huling namataan sa 1,390 km northeast ng Extreme Northern Luzon, dala ang lakas na hangin na 75 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Samantala, ang tropical storm Lupit naman ay huling namataan sa 525 km north-northwest ng Itbayat, Batanes, dala ang lakas na hangin na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 100 kph. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *