Halos 2,000 katao, apektado sa Super Typhoon Goring – NDRRMC

Nasa 1,968 na mga indibidwal ang apektado sa Super Typhoon Goring mula sa Region 1 – Ilocos Region at Region 2 – Cagayan Valley.

Batay sa huling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apektado ang 1,339 residente sa Cagayan Valley; habang 629 na indibidwal naman ang nasalanta sa Ilocos Region.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas, ‘so far manageable pa naman’ dahil wala pang natatanggap ang ahensya ng request for assistance.

Sa ngayon, nasa 832 na tao o 213 na pamilya ang nasa evacuation centers dahil sa Super Typhoon.

Umabot na rin sa P40M ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura sa Cagayan Valley.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *