Halos 9,000 militar ng Ukraine, patay sa giyera vs. Russia

Kinumpirma ng hepe ng armed forces ng Ukraine na halos 9,000 na sa kampo ng kanilang militar ang napatay sa kasalukuyang giyera kontra sa Russia.

Inilabas ni Commander-in-Chief General Valeriy Zaluzhnyi ang naturang bilang sa isang conference upang bigyan ng parangal ang mga beteranong militar na napatay gayundin ang mga pamilyang naiwan.

Ayon sa hepe, kinakailangan umanong mabigyan ng proteksyon ang mga anak ng mga militar sa ilang bahagi ng bansa kabilang na ang kabisera ng Kyiv.

Wala namang nabanggit si Zaluzhnyi na kasama sa bilang ng mga nasawi ang mga service personnel na napatay sa aksyon gaya ng mga border guard.

Sinabi ni President Volodymr Zelensky sa isang panayam na humigit-kumulang isang milyong tao ang nagtanggol sa Ukraine bilang bahagi ng sandatahang lakas ng bansa.

Hindi rin sinabi ng Presidente kung ilang sibilyan ang napatay at kung ilang tauhan ng Russia ang nasawi sa naturang bakbakan. (RSB | PHOTO: ARIS MESSINIS/AFP via Getty Images)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *