Halos P 82 million na halaga ng illegal drugs, nakumpiska sa region 12 sa ilalim ng Duterte administration

KORONADAL CITY- UMABOT sa P 81.98 million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 katuwang ang iba pang operating units sa Soccsksargen sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.

Ayon kay PDEA 12 spokesperson Katryn Gaye Abad na ito ay nakumpiska sa 7,788 anti-drug operations na kanilang isinagawa simula 2016 hanggang April 2022.

Sa naturang mga operasyon P 72.8 million na halaga ng shabu ang narekober ng mga otoridad habang P 9.7 million naman ang marijuana.

Umabot sa 6,677 na mga drug users at pusher ang naaresto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *