Halos P40M na halaga ng pananim na marijuana, binunot at sinira sa Kalinga

Aabot sa halos 40 million pesos ang halaga ng mga sinirang pananim na marijuana ng mga otoridad sa barangay Butbut proper at Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Isinagawa ang magkakasunod na operasyon ng mga kasapi ng Kalingga PPO PDEU, PDEA Kalinga at iba pang PNP personnel noong July 19 hanggang July 21, 2021.

Nadiskubre ng mga operatiba ang 3 plantasyon ng marijuana sa barangay Loccong na tinatayang may lawak na 6,000 square meters.

Binunot at pinagsusunog ang nasa 107,500 na piraso ng full grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng 21,500,000 pesos.

Sa iba pang site ay nadiskubre rin ang nasa 2 plantasyon na tanim na 16,000 na piraso na marijuana na nagkakahalaga naman ng 3.2 million pesos.

Samantala sa barangay Butbut Proper naman ay umaabot sa 76, 000 na piraso ng full grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinira na may estimated value na 15.2 milyong piso.

Ayon sa PDEA Kalinga ito ay bahagi pa rin ng patuloy na kampaniya ng mga otoridad sa Barangay Drug Clearing Program sa probinsya.

Photo/ PDEA Kalinga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *