Inumpisahan na ang maramihang pagbabakuna kontra corona virus disease sa Olongapo.
Ito ay makaraang dumating ang halos walong libong doses ng anti-covid19 vaccine sa lungsod noong weekend.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, ito ay 7,800 doses ng bakunang gawa ng Johnson&Johnson at ito na ang pinakaraming suplay ng bakuna na padala ng Department of Health para sa Olongapo.
Target na mabakunahan ang lahat ng mga kabilang sa kategoryang A2 at A3 o senior citizen at mga persons with comorbidities.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center