“Headline inflation” bumilis sa antas na 6.1-percent nitong Hunyo – PSA

Umabot sa 6.1% ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa para sa buwan ng Hunyo 2022.

Sa isang press conference sinabi ni PSA Chief and National Statistician Claire Dennis Mapa ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Hunyo 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.

Paliwanag ni Mapa ito ay may 6.0% inflation at 58.3% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Kabilang sa mga nag-ambag sa pagtaas ng inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Meat and Other Parts of Slaughtered Land Animals, gaya ng manok, na may 8.1% inflation; at Bigas, na may 2.0% inflation.

Nakaambag din sa pagtaas ng inflation ng Food and Non-Alcoholic Beverages ang Fruits and Nuts, partikular ang mangga, na may 1.1% inflation.

Ang pangalawang commodity group na nagpakita ng mas mataas na inflation nitong Hunyo 2022 ay ang Transport na may 17.1% inflation at 31.7% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Gasoline, na may 53.9% inflation; Other Passenger Transport by Road, tulad ng pamasahe sa jeep, na may 2.7% inflation; at Diesel, na may 92.5% inflation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *