Health integration ng local health system sa Sorsogon, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang Health Integration ng Local Health System ng Lalawigan ng Sorsogon.

Katunayan nito, sa Sangguniang Panlalawigan sunod-sunod ang pagpasa ng mga Resolution ng bawat bayan para sa pagpapatupad ng iisang provincewide health system sa ilalim ng Universal Health Care (UHC).

Ayon kay Dr. Renato Jun Bolo, nakausap na umano ng Commission on Audit (COA) at Department of Health (DOH) ang mga Municipal at Provincial Treasurers ng mga lalawigan para sa malinaw na pag disburse ng pundo mula sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholders na ibaba sa Special Health Fund ng mga LGUs.

Ang Special Health Fund ay ang nag-iisang specific health account ng 15 LGU sa lalawigan na gagamitin sa pagbaba ng pundo mula sa National Government o agencies tulad ng Philhealth na gagamitin naman sa pagbabayad sa mga facilities na ginamit o na-avail ng pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *