Higit 120 OFWs sa Lebanon, nais magpa-repatriate ayon sa DMW

Nasa 124 na mga Overseas Filipino Worker ang gustong bumalik sa Pilipinas mula sa bansang Lebanon.

Ito ang sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac dahil sa patuloy na kaguluhan sa Israel.

Sabi ni Cacdac, ilang Pilipino na ang inilikas mula sa mga apektadong lugar nabanggit na bansa.

Mayroon na aniya crisis at contingency plans ang nailatag upang tumulong sa mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan.

Nakapagpadala na rin ang pamahalaan ng augmentation team para tulungan ang ating labor attache at migrant office sa Israel.

Maalalang itinaas ng Pilipinas sa alert level 3 ang Lebanon at pinalilikas ang mga Pilipinong nandoon upang makaiwas sa anumang trahedya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *