Higit 170k jabs, target ng DOH Region 2 sa 2-day national vaccination drive sa Feb 10-11

Nasa 171, 725 ang total target na mabakunahan ng Department of Health Region 2 sa isasagawang dalawang araw na National Vaccination Drive Part 3 sa February 10-11, 2022.

Sa lalawigan ng Isabela nasa 66, 515 ang ibinigay na kanilang target, 56, 562 sa Cagayan, 26, 742 sa Nueva Vizcaya, 12, 165 sa Quirino, 1, 218 sa probinsya ng Batanes at 8, 020 naman sa Santiago City.

Ayon sa kagawaran bukas ang naturang Bayanihan Bakunahan Part III sa mga indibidwal na edad 12-anyos pataas kung saan pwede rin sa mga walk-in.

Gayunman, pinakaprayoridad umanong mabigyan ng primary at booster doses ang mga kabilang sa A2 at A5.

Gumagana at epektibo umano ang mga bakuna kontra COVID-19 kaya naman pinapabilis pa ang pagbabakuna at upang marami ang mabakunahan.

Nagbibigay din umano ng karagdagang proteksyon ang booster lalong-lalo na sa mas nakakahawang Omicron variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *