Higit 20 na bahay nawasak, 122 indibidwal apektado dahil sa ipo-ipo sa Nueva Vizcaya

Kasalukuyan pa rin ang monitoring and assessment ng PDRRMO Nueva Vizcaya kaugnay sa pinsalang iniwan ng paghagupit ng ipo-ipo sa bayan ng Bambang noong March 18, 2022.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Office of the Civil Defense Cagayan Valley, aabot sa 28 na pamilya o 122 na indibidwal ang naapektuhan ng buhawi.

Apektado ang barangay Sto. Domingo at Macate sa Bambang at ang barangay Buenavista at Magapuy sa bayan ng Bayombong.

Agad namang nailikas ang mga biktima sa mas ligtas a lugar kung saan ilan sa mga ito ay pansamantalang nakituloy sa kanilang mga kaanak.

Batay pa sa datos ng OCD Region 2, 23 na kabahayan ang nawasak habang wala namang naiulat na nasugatan maliban lang sa isang casualty dahil sa pagkidlat.

Kaugnay nito ay namahagi na ng family food packs at family kit ang Provincial Government habang nagbigay naman ng 100 food packs ang Provincial Social Welfare and Development.

Nagpaabot din ng tulong ang lokal na pamahalaan at Philippine Red Cross Nueva Vizcaya Chapter.

Batay sa impormasyon mula sa PAGASA Northern Luzon ang naranasang buwahi ay dahil sa localized thunderstorm bunsod ng mga pag-ulan, malakas na hangin at pagkidlat.

Photo/Gov.Carlos Padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *