Higit 200 bata at sanggol, namatay umano sa Sitio Kapihan

Inungkat sa Senado ang isyu sa mahigit 200 bata at sanggol na namatay umano sa komunidad ng Sitio Kapihan.

Sinabi ng ilang testigo na hindi pinapayagan ni Senior Agilla ang mga ina na magpakunsulta sa doktor.

Lumabas din sa isinagawang imbestigasyon na walang mga prenatal care para sa mga buntis at walang bakuna ang mga bata.

Isinawalat din ng testigo na sa function hall lang nanganak ang kanyang asawa dahil hindi umano sila pinayagang pumunta sa ospital.

Kahit marami ng testigo ang nagpapatunay sa mga aligasyon laban sa mga lider ng SBSI mariin pa rin nilang tinatanggi ang mga paratang.

Nalaman din na hindi lang mga bata ang inaabuso pati na rin mga senior citizen na nakatira sa Sitio Kapihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *