Higit 2m vaxx doses, nakatakdang mag-expire

Aabot sa halos dalawang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang inaasahang mag-eexpire na sakaling ‘di magamit sa pagtatapos ng Hunyo.

Ito ang kinumpirma ni National Vaccination Operations Center o NVOC chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje at sinabing posible pang madagdagan ang bilang ng expiring vaccines bago matapos ang Mayo.

Kabilang aniya rito ang mga bakunang Sinovac, AstraZeneca at Pfizer.

Sa kabila nito, tiniyak ni Cabotaje na tuluy-tuloy ang kanilang koordinasyon sa COVX Facility para mapalitan ang mga bakunang malapit nang mag-expire.

Kaugnay nito, sinabi ng health official na aabot na sa 73.7 million individuals ang nabakunahan ng 1st dose; habang 69.1mullion naman ang nakakumpleto na ng dosage ng bakuna.

Tuluy-tuloy naman ang pagbabakuna ng Gobyerno na nag-aaverage sa 200,000 individuals kada araw.

Aabot naman na sa higit 170,000 ang bilang ng mga nakatanggap na ng ikalawang dose ng booster shots.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *