Uncategorized

Higit 3000 na mga housing units, natapos ng NHA 12

KORONADAL CITY- NAKAKUMPLETO ang National Housing Authority (NHA) Region 12 ng 3,095 na mga housing units para sa mga informal settler families (ISF) at mga indigenous people o IP sa buong Soccsksargen region mula noong 2016 hanggang 2020.

Ayon kay NHA 12 regional manager Engr. Zenaida Cabiles na ito ay may kabuuang halaga na P 262 million at naipatupad sa ilalim ng NHA Resettlement Assistance Program to LGU (RAP-LGU).

Sa ilalim ng RAP-LGU para sa mga ISF, ang lahat na mga munisipyo at 5th to 6th class cities at mga probinsya ay makakatanggap ng grant na hanggang P25 million per project.

Sa RAP LGU sa mga IP’s, nagbibigay ang NHA ng P 20 million na grant sa mga LGU para sa implementation ng housing projects sa mga indigenous cultural communities.

Sa South Cotabato, kabilang sa mga natapos na housing projects ang Banga Resettlement sa Barangay Benitez, Banga na may 100 housing units at ang Kasadya Village sa Barangay Dajay, Surallah na may 100 din na housing units.

Inihayag ni Cabiles na maaaring mag-avail ang mga LGU ng technical at financial assistance para sa housing projects sa sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagsumite ng proposal sa NHA.

BNFM Koronadal

Recent Posts

‘Car-free Sundays’ sa Roxas Boulevard – magsisimula na bukas

Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…

20 hours ago

Dating PNP chief Albayalde – ‘di nangangamba sa ICC investigation

Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…

21 hours ago

DOLE Sec. Laguesma, dinepensahan ang sarili matapos tawaging ‘unpopular labor secretary’

Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…

21 hours ago

Malakas na solar storm – tumama sa daigdig

Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…

21 hours ago

Mga patay na corals – tinambak umano sa Sabina o Escoda Shoal ayon sa PCG

Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…

21 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 10-anyos na estudyante sa South Cotabato

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…

21 hours ago