Local News

Maraming barangay sa region 12, may mataas na risgo ng baha at landslide

KORONADAL CITY- PRONE sa pagbaha at landslide ang maraming barangay sa Soccsksargen region batay sa assessment ng Mines and Geosciences Bureau o MGB Region 12.

Sa isinagawang 2021 National Disaster Resilience Month virtual caravan, inihayag ni MGB-12 Supervising Geologist Ariel Acosta na 84.1% o 1,005 ng 1,195 barangays sa rehiyon 12 ang may mataas na risgo sng pagbaha kung saan 503 sa mga flood-prone barangays ay nasa North Cotabato, 167 sa South Cotabato, 152 sa Sultan Kudarat, 139 sa Saranggani, 27 sa Cotabato City at 17 sa General Santos City.

Samantalang sa landslide, 730 o 61.09% ng 1,195 barangays ang itinuturing na highly susceptible.

Pinakamarami sa mga landslide prone barangays ay nasa North Cotabato na umabot sa 330, 131 sa Sultan Kudarat, 118 sa Saranggani at 118 din sa South Cotabato, 18 sa General Santos City at isang barangay sa Cotabato City.

Ayon kay Acosta na naalerto na ang mga concerned LGU sa risgo na kinakaharap ng kanilang mga lugar sa pamamagitan ng mga ipinamahaging geohazard maps ng MGB.

Maliban sa baha at landslide, nagsasagawa din ang MGB 12 ng assessment sa mga sinkholes.

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

23 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

23 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

23 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

24 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

24 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

24 hours ago