Higit 33,000 enrollees para sa SY 2021-2022, naitala ng SDO Cauayan City

Nakapagtala na ang Schools Division Office Cauayan City ng 33, 288 na mga enrollees para sa School Year 2021-2022.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng tanggapan noong July 26, 2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr., mas mababa ito sa naitalang datos noong nakaraang taon kung saan umabot sa 34,000 na mga mag-aaral ang enrolled.

Aniya, inaasahan pa rin ng tanggapan na malalagpasan ito ngayong taon at dadami pa ang magpapatala dahil sa September 13,2021 pa magtatapos ang enrollment sa mga pampublikong paaralan.

Ayon pa kay Dr. Gumaru, puspusan na ang paghahanda ng SDO Cauayan City sa hanay ng kaguruan para sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.

Bukod dito ay nagsasagawa rin ang tanggapan ng education forecast o education meeting sa lahat ng kaguruan at school heads upang masuri ang preparasyon ng mga guro para sa S.Y 2021-2022.

Samantala, bilang bahagi naman umano ng Brigada Eskwela 2021 Brigada Pagbasa Program ay natutungo na rin aniya ang mga kaguruan sa mga mag-aaral sa kindergarten, grade 1 at 2 upang bigyan ng learning materials o activity sheets upang matuto sila sa pagbasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *