Hot pursuit, ikinasa ng Quezon PNP vs. armadong kalalakihan na nanloob sa 2 bahay

Iniimbestigahan na ng Quezon PNP ang insidente ng panloloob sa Barangay Tabon, Quezon Palawan.

Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, kinilala ang mga biktima ng Robbery na sina;

1) LORDAN TOOG DALASA, 30 anyos

2) JASMIN MACAYRAN DALASA, 27 anyos

3) LORBINIO TAYRAN DALASA, 58 anyos

4) MARIEL PINDONG TOOG, 32 anyos na pawang mga residente ng Barangay Tabon habang ang isang suspek ay kinilalang si alyas GULGOL AGANG 31 anyos at residente rin sa lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, humigit kumulang sampung ( 10 ) kalalakihan na nakasuot ng camouflage na uniporme ang pumasok sa kanilang compound habang ang ilan sa mga ito ay armado ng baril.

Tinutukan umano ang mga biktima at ang isang biktima na si Lorbinio ay sinaktan ng ilang suspek sa loob ng kanyang bahay at nang tangkain nitong tumakbo ay pinaputukan ito subalit hindi siya tinamaan.

Kinuha ng mga suspek sa mag-asawang Lordan at Jasmin Dalasa ang isang bag na may lamang Php40, 000.00 cash, susi ng motorsiklo, passbook at iba pang kagamitan tulad ng bag na may lamang isang libong piso. Kinuha naman ang isang cellphone at ID sa mag-asawang Mariel at Elmira Toog.

Samntala, ang Quezon Police ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *