Business

House panel, OK sa pagpapalawig sa validity ng Bayanihan 2 sa katapusan ng 2021

Aprubado na ng House appropriations committee, ang mungkahi na palawigin ang funding para sa COVID-19 response ng anim pang buwan.

Ang panukala ay naglalayong muling i-extend ang validity ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2 hanggang sa December 31 mula sa June 30.

Ito na ang ikawalang extension mula sa original deadline na Dec. 19, 2020.

Mababatid na sa ilalim ng Bayanihan 2, naglaan ang gobyerno ng P165.5 billion para pondohan ang pandemic response at recovery.

Matatandaan na noong nakaraaang linggo, inaprubahan rin ng House appropriations committee ang proposed Bayanihan to Arise as One Act or Bayanihan 3 na may pondong P405.6 billion, kabilang na ang bagong round ng ayuda para sa mga taong apektado ng health crisis. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago