Covid Update

8,748 bagong COVID-19 cases; Active cases, 53,770 pa

Naitala ng Department of Health ang 8,748 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahilan para sumipa ang total tally sa 1,209,154.

Hindi naman kasama sa bilang ang datos mula sa apat na laboratoryo na bigong makasumite ng datos on time.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na mahigit 8,000 ang mga bagong kaso na naitala sa loob ng 25 araw.

Sinabi naman ng DOH na tumaas ang bilang ng active cases sa 53,770, kung saan 93.2% ang mild, 2.2% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, tumaas ang bilang ng total recoveries sa 1,134,818, matapos gumaling ang 3,017 pang pasyente, habang 187 ang mga bagong fatalities na naidagdag dahilan para umakyat ang death toll sa 20,566. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

Mas maraming Multilateral at Maritime Cooperative activities, hangad ng DND sa mga kaalyadong bansa

Matapos ang matagumpay na Balikatan exercise ngayong taon, pinaigting ng Department of National Defense ang…

3 mins ago

Hanggang P2 na rollback sa gasolina – namumuro sa susunod na linggo

GOOD NEWS sa mga motorista! Nadagdagan pa ang inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong…

6 mins ago

DOLE, tiniyak ang mga hakbang na reresolba sa tumaas na unemployment rate sa bansa

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang naitalang bahagyang pagtaas sa bilang ng…

22 mins ago

Korte Suprema: ‘red-tagging’ bilang banta sa kalayaan, isang patunay na pagbibigay ng halaga ng gobyerno sa demokrasya

Wi-nelcome ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang naging pagdeklara ng Korte Suprema sa…

38 mins ago

Exporters sector, hihirit ng moratorium sa mga wage hike; Ilang kongresista naman, umapela

Posibleng hilingin ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines sa gobyerno na magpatupad ng…

52 mins ago

Pamahalaan, patuloy na nakikipag-uganayan para sa pagpapalaya ng 3 pang natitirang Pinoy seafarers

Patuloy na kumikilos ang pamahalaan para mapalaya na rin ang tatlo pang natitirang Pinoy seafarers…

1 hour ago