House probe vs OCTA, isasagawa sa oras na ilift ang quarantine restrictions

Posibleng ikasa ng House of Representatives ang imbestigasyon laban sa OCTA Research Group sa oras na tanggalin na ang quarantine restrictions.

Ayon kay Deputy House Minority Leader Stella Quimbo, sa ngayon wala pang pinal na petsa para sa inquiry.

Si Quimbo ay isa sa limang mambabatas na naghain ng House Resolution 275 na nananawagan para sa House probe kaugnay sa “qualifications, research methodologies, partnerships, at composition” ng OCTA Research.

Sa gitna nito, denepensahan naman ng Marikina City representative ang proposed inquiry, kasunod ng mga batikos na ito ay magiging aksaya sa oras, enerhiya at pera.

Pero pagbubunyag ni Quimbo, bahagi ng gusto nilang matuklasan ay ang utilization ng P15 million na inilaan sa OCTA sa pamamagitan ng Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2, kung saan ang pera ay ibinigay umano sa UP-Diliman Institute of Mathematics, na nagpo-proseso at nag-aanalisa sa COVID-19 related data.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *