HPG nag- ikot sa mga terminal upang tingnan ang compliance ng mga pampublikong sasakyan sa health protocols

CAMARINES NORTE – Nagsasagawa ng pag- iikot sa mga terminal partikular dito sa bayan ng Daet ang PNP- Highway Patrol Group upang tingnan ang compliance ng mga pampublikong sasakyan lalo na sa health protocols.

Sa gitna ito ng inaasahang unti- unting pagdami ng mga biyahero habang papalapit ang pasko at bagong taon lalo’t niluwagan na ang restriction sa lalawigan.

Sinabi sa Brigada News FM Daet ni PMaj Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG na ngayong dinagdagan na ang seating capacity sa pampublikong transportasyon ay hindi umano nangangahulugan na wala nang banta ng COVID- 19.

Paalala nito sa mga commuters, operator at driver ng pampublikoing transportasyon na panatilihin ang pagsunod sa health protocols tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Ipinagbabawal din ang pagdura sa mga pampublikong lugar lalo’t possible itong maging dahilan ng sakit tulad ng COVID- 19.

Droplets kasi ang itinuturing na isa sa nangungunang dahilan ng hawaan ng virus.

Pinaalalahanan din ng HPG ang mga driver at operator hinggil sa BLOWBAGETS na nangangahulugang Breaks, lights, oil, water, battery, air, gasoline, engine, tire at self para sa ligtas na biyahe ngayong holiday season.

Mahalaga umanong nasusuri ng mabuti ang sasakyan bago bumiyahe para iwas aberya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *