Huling SONA ni Pangulong Duterte sasabayan ng kilos protesta sa iba’t-ibang lalawigan sa Bicol; pangulo binigyan ng 4 out 10 na grado

LEGAZPI CITY—Kasado na ang gaganaping mga kilos protesta ng mga progresibong grupo sa iba’t-ibang lalawigan sa Bicol kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa Chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan Bicol na si Jen Nagrampa, inihayag nito na magiging sentro ng kanilang aktibidad ang mga problema ng bansa tulad ng krisis sa ekonomiya, pagtugon sa pandemya, paglaban sa korapsyon, pagsugpo sa terorismo, paghuli at pagsampa ng kaso sa mga kritiko ng pangulo, war on drugs, pagbibigay ng komportableng buhay sa mga mamamayan, pagbaha sa NCR, pagtakbo sa ikalawang pwesto sa darating eleksyon at marami pang iba.

Anya, 4 out of 10 ang kanilang grado sa pangulo dahil bagsak umano ang mga programa ng gobyerno sa ilalim ng pamumuno nito.

Binatikos din ng grupo ang umano’y hindi sersyosong pagtugon sa COVID 19 pandemic kung saan naging mabagal ang vaccination roll out at hindi rin umano nagamit ang pondo na P18-B para sa Bayannihan 2.

Binanggit din nito ang usapin ng extra judicial killings kasabay ng paghamon sa pangulo na harapin ang International Criminal Court.

Sa kabila nito, ay aminado naman ang grupo na mayroon ding mga nagawa si pangulong Duterte gaya ng Build Build Build program na nagpabilis sa transportasyon pero nagdulot pa rin umano ito ng kawalan ng hanapbuhay at lupa sa mga magsasaka.# || with reports from BNFM Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *