Iba’t ibang sangay ng pamahalaan at samahan ng mga ktutubo lumagda sa Pledge of Allegiance

Lumagda sa Pledge of Allegiance ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan at samahan ng mga katutubo sa Zambales.

Ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa gobyerno laban sa karahasan at insurhensya.

Kabilang sa nagbigay ng kanilang suporta ang isandaan at limampung mga katutubo sa lalawigan kasama ang mga tribal chieftain.

Ayon kay Zambales Police Provincial Director Pcol. Romano Cardiño, nais ng gobyerno na matugunan ang mga pangangailangan, magkaroon ng sapat na edukasyon at posisyon sa lipunan ang mga IP’s kaya kailangan maging buo ang pagsuporta ng mga ito at magtiwala sa pamahalaan.

Nangako din ang pulisya na mas paiigtingin pa ang Barangayanihan nito sa lahat ng lugar na hindi gaanong naabot ng lokal na pamahalaan.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of dessert and text that says 'Power Fact Did you know that Garlic was given to those who built the pyramids in Egypt? This was to enhance their physical strength and endurance. Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit! Û.a- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *