ICU ng PRMMH sa Zambales napupuno na rin sa ngayon

Napupuno na rin ang Intensive Care Units ng President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa lalawigan ng Zambales kung saan dito inilalagay ang mga pasyenteng severe & critical ang kondisyon.

Sa kasalukuyan, base sa datos, mayroong dalawamput anim na pasyente ang nasa ICU ng ospital.

Maliban dito, ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, ang malungkot lamang ay siyam lang ang ventilators ng PRMMH.

As of September 26 sa ulat ng PHO, 1,098 na ang aktibong kaso ng corona virus sa Zambales mula sa 8,314 na confirmed cases.

Mayroon namang 7,179 na nakarekober na habang ang mga binawian ng buhay ay pumalo na sa 337.

Samantala, sakali man aniyang may pasyente pang critical o severe na isusugod sa ospital ay pwedeng mag-extend pa ng ICU area ang PRMMH kung kinakailangan para mabigyan ng atensyong medikal.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'ASCORBIC (as Calcium 100 500 Ascorbate) ACID Capsules VITAMIN GUARD-C mg Capsule SHOP NOW! Lazada ASCORBICA Ang Guard C Calcium Ascorbate ay isang vitamin na may kombinasyon ng calcium mineral kaya safe inumin kahit may hyper acidity dahil NON-ACIDIC ito. ang Immune system with Calcium Ascorbate. Palakasin Guard c Û.an ASCORBIC ACID GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *